-->

Sabado, Marso 14, 2015

MAGKAKASUNOD NA LABANAN NAGANAP SA PAGITAN NG NPA AT PA/PNP SA LIBMANAN, CAMARINES SUR

Pahayag sa Midya
Marso 14, 2015

Nakasagupa ng yunit ng Norben Gruta Command (NGC) ng New People Army (NPA) ang tropa ng Philippine National Police (PNP) na ayon sa report ng radyo ay nagmula sa Libmanan at Gainza bandang alas 5:00 ng hapon ng Marso 13, 2015.  Ang nabanggit na tropa ng PNP ay nagsasagawa ng pagtugis at pagtsek sa nangyaring unang putukan sa mismong detatsment ng Dinumpilan alas 11:25 ng hatinggabi noong Marso 12, 2015.  Kinabukasan, bandang alas-3:00 ng hapon, dumaan ang tropa ng PNP na pumwesto sa mabahay na bahagi ng brgy Pag-oring Viejo.  Pinalampas muna ng mga kasama ang tropa ng PNP; subalit nang bumalik na may nakabuntot nang pwersa ng Philippine Army, nagpasyang isagawa ang opensiba laban sa kanila.  

Muling naulit ang panibagong labanan sa baranggay Malinao sa pagitan naman ng mga NGC-NPA at Philippine Army (PA) na nakabase sa detatsment ng Sitio Dinumpilan bandang alas-7:00 ng gabi matapos ang unang pangyayari. Nasugatan ang apat (4) na tropa mula sa PNP at Philippine Army sa nasabing mga labanan.

Ang taktikal na opensibang ito ay bahagi ng paniningil sa 49th IB sa pamumuno ni Lt. Col. Medel Aquilar sa kanilang mga nagdaang krimen sa Sorsogon, Camarines Norte at sa kasalukuyang pagsaklaw sa ilang  bayan ng Camarines Sur na dating saklaw na bahagi ng 42nd IB.   Sa ilang taon na may presensya ang mga tropa ng Philippine Army sa Tinalmod, Salvacion, Cambalidio, Bical at Sitio Dinumpilan, naganap ang masaker sa pamilyang Bico, paglakas ng operasyon ng mga sindikatong bumibiktima sa mga maliliit na negosyante at pagbibiktima ng mga kababaihan sa lugar.   

Norben Gruta Command
Distrito 2 Probinsya ng Camarines Sur

Biyernes, Marso 13, 2015

Inilunsad ang Magkakahiwalay na Taktikal na Opensiba sa Libamana Camarines Sur at Juban Sorsogon

Isinagawa ng New People's Army sa probinsya ng Camarines Sur at Sorsogon ang mga taktikal na opensiba bilang pagharap sa mga isinasagawang operasyon at mapagbalatkayong Peace and Development Team ng Oplan Bayanihan ng rehimeng US-Aquino sa Bikol. Naganap ang mga magkakasabay na labanan noong Marso 13, 2015 sa magkakahiwalay na oras at lugar sa Camarines Sur at Sorsogon ayon sa ipinaabot na ulat ng mga kumand ng Bagong Hukbong Bayan sa National Democratic Front-Bicol.

Sa baranggay Pag-oring Viejo at Malinao kapwa sa munisipyo ng Libmanan,  dalawang magkasunod na labanan ang naganap.  Sa unang labanan, naganap sa pagitan ng Norben Gruta Command-New Peole's Army (NGC-NPA) at Philippine National Police (PNP) Provincial Office, PNP Libmanan, at PNP-Gainza sa Camarines Sur.  Sa pangalawang labanan ay naganap sa pagitan naman ng nagsilbing security force ng PNP mula sa Philippine Army ng detatsment ng Sitio Dinumpilan.  Nasugatan sa  mga nasabing labanan ang apat (4) na tauhan at opisyal ng PNP.  Ang tropa ng PNP ang nagsilbing pampain ng Philippine Army para magresponde sa nangyaring opensibang demolition at harass  ng Norben Gruta Command noong Marso 12, 2015.

Sa baranggay Dolos, Juban, Sorsogon naman, isinagawa ng Celso Minguez Command-New People's Army (CMC-NPA) ang taktikal na opensiba laban sa mahigit 24 tropa ng 31st Infantry Batallion ng Philippine Army na nagsasagawa operasyon sa tabing ng Peace and Development Team.  Isa ang napatay na opisyal at ilan ang nasugatan sa tauhan sa panig ng kaaway sa nasabing labanan.

Nananawagan po ang National Democratic Front-Bicol kay Mayor Marilyn Jimenez ng Libmanan at Mayor Romeo Abilay ng Gainza na huwag gamitin ang Philippine National Police na pang-ayuda sa kontra-insurhensyang operasyon at pansuporta sa Philippine Army upang maiwasang maulit ang nasabing pangyayari. Itigil ang paggamit ng mapagbalatkayo at inutangang pondo ng programang Pamana, Kalahi, 4Ps at proyektong kalsadang ng World Bank na magsisilbi sa dayuhang pagmimina sa Tangkong Vaca.

Biguin ang PDT at OPB!
Ibagsak ang korap, mapanupil at mandarambong na paghahari ng US-BSA!
Ipagtagumpay ang Digma hanggang tagumpay!

Maria Roja Banua
Tagapagsalita
National Democratic Front-Bicol